Mahigpit ang ginagawang pagpapatupad ng total lockdown sa bayan ng Urbiztondo matapos maitala ang unang kaso ng pasyente na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na mula sa kalapit bayan ng Bayambang.
Ito ay base na rin sa inilabas na Executive Order number 10 Series of 2020 ni Urbiztondo Mayor Martin Raul Sison bilang hakbang upang maiwasan na ang pagkalat ng COVID-19.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Major Michael Datuin hepe ng Urbiztondo PNP, epektibo ang nasabing lockdown kahapon, March 20, 2020.
Ibig sabihin, lahat ng residente sa Urbiztondo ay hindi na makalalabas at maging ang lahat ng mga pupunta o dadaan sa nasabing bayan, liban na lamang sa mga magdadala ng suplay ng pagkain at ibang pangangailangan.
Kaugnay pa nito, dahil una ng nagbigay ng advisory ang bayan ng Bayambang ng total lockdown ay nakipag-ugnayan na umano ang kanilang tanggapan lalo na sa barangay officials ng Brgy. Galarin dahil kalapit barangay lamang ito ng Bical Norte, Bayambang kung saan naitala ang nasabing pasyente na nagpositibo sa naturang sakit.
Mahigpit umano na ipinapatupad ang total lockdown lalo na sa mga magtatangkang pumasok at lumabas sa kanilang bayan. Mahigpit ang ginagawang pagpapatupad ng total lockdown sa bayan ng Urbiztondo matapos maitala ang unang kaso ng pasyente na nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na mula sa kalapit bayan ng Bayambang.
Ito ay base na rin sa inilabas na Executive Order number 10 Series of 2020 ni Urbiztondo Mayor Martin Raul Sison bilang hakbang upang maiwasan na ang pagkalat ng COVID-19.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Major Michael Datuin hepe ng Urbiztondo PNP, epektibo ang nasabing lockdown kahapon, March 20, 2020.
Ibig sabihin, lahat ng residente sa Urbiztondo ay hindi na makalalabas at maging ang lahat ng mga pupunta o dadaan sa nasabing bayan, liban na lamang sa mga magdadala ng suplay ng pagkain at ibang pangangailangan.
Kaugnay pa nito, dahil una ng nagbigay ng advisory ang bayan ng Bayambang ng total lockdown ay nakipag-ugnayan na umano ang kanilang tanggapan lalo na sa barangay officials ng Brgy. Galarin dahil kalapit barangay lamang ito ng Bical Norte, Bayambang kung saan naitala ang nasabing pasyente na nagpositibo sa naturang sakit.
Mahigpit umano na ipinapatupad ang total lockdown lalo na sa mga magtatangkang pumasok at lumabas sa kanilang bayan.