Mayroon ng kauna-unahang kaso ng coronavirus disease-2019 (COVID-19) dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Base sa impormasyon mula sa Provincial Health Office (PHO) , naitala ang unang nagpositibo sa sakit sa bayan ng Bayambang.

Samantala, sa ngayon ay nasa 28 na ang mga Person Under investigation o PUI na ang mahigpit ngayong binabantayan sa ibat ibang pagamutan sa lalawigan bunsod ng Covid 19.

--Ads--

Kung saan 15 ang nakaadmit ngayon sa pagamutan, 12 ang nadischarged na at 1 ang nasawi. Patuloy rin ang pag-akyat ng bilang ng Person Under Monitoring na umaabot na sa 49,131 kung saan 47,583 ang patuloy na sumasailalim ngayon sa 14 days quarantine habang 1,548 naman ang nakakumpleto na nito.

Una ng pinaalalahanan ni Provincial Health Office (PHO) Chief Dra. Ana Marie De Guzman, ang mga PUM na tapusin at mahigpit na sundin ang kanilang 14 days quarantine upang hindi na kumalat pa ang naturang virus sa probinsya.