Dagupan City – Pinabulaanan ng doktor ng Dagupan Doctors Villaflor Memorial Hospital na mayroong pasyente na dinala doon ang nagpositibo sa Coronavirus Disease o Covid 19.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr Carlo Marco Urdunia, na isang pasyente na nakategoryang Patient under Investigation ang dinala sa kanilang ospital noong March 14.

Dumaan aniya ito sa screening protocoal kung saan naghintay ang pasyente sa labas ng gusali ng pagamutan kung saan ito nabigyan ng kaukulang medical care.

--Ads--

Sumailalim din ito sa striktong protocoal screening ng pagamutan bago dinala sa isolation room ng ospital.

Matapos ang pakikipag-ugnayan sa Department of Health ay dinala ito sa Lung Center of the Philippines na ngayon ay kabilang sa tinatawag na PUI.

Hanggang sa ngayon aniya ay inaantay pa ang resulta ng pagsusuri na isinagawa sa pasyente.

Tiniyak naman ni Ordunia ang ipinapatupad na protocoals para matiyak ang protection ng kanilang health workers, doctors, pasyente, mga bisita maging ng kumunidad .