Hindi inaalis ng tanggapan ng Department of Health o DOH Region 1 ang posibilidad na maaari pa ding lumaganap ang virus dulot ng Covid-19 kahit pa sa panahon ng Summer o tag-init.
Ayon kay Dr. Rhuel Bobis, Medical Officer 4 ng DOH Region 1, sa malamig na panahon kadalasang lumalakas ang virus ngunit hindi din ito nangangahulugan na hindi na maaaring maka-infect tuwing Summer o panahon ng tag-init.
Naiiwasan lamang aniya o nagiging mabagal ang transmission kapag mainit ang panahon dahil ang tendency ng mga tao kapag maalinsangan, mas pinipili nilang maglayo-layo.
--Ads--
Giit ni Bobis na mayroon lang talagang panahon na nabubuhay ang virus sa paligid at kapag nagtagal ito sa panahon man ng mainit o malamig, ito’y maaaring mamatay.