Idenepensa ni Lingayen Mayor Leopoldo Bataoil ang nauna nitong deklarasyon ng pagsasailaim sa bayan sa community quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Matatandaang ginawa ng Alkalde ang anunsyo nito sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan at matapos lamang ng ilang minuto ay inanunsyo narin ni Pangasinan Gov. Amado ‘Pogi’ Espino III, ang pagsasailalim sa probinsya ng Community quarantine sa pamamagitan ng Executive Order No. 0013-2020.

Giit ni Bataoil layon lamang ng naturang hakbang na maging pro-active ang kanilang hanay sa pagtugon laban sa sakit.

--Ads--

Nabatid na sa pinakalatest monitoring report mula sa tanggapan ng Provincial Health Office (PHO), nakapagtala ang bayan ng Lingayen ng isang kaso ng discharged Patient Under Investigation (PUI) o mga taong masusing minamatyagan ng DOH ang kondisyon dahil sa pagpapakita ng sintomas ng COVID-19.

Habang 463 namang mga Person Under Monitoring (PUM) o mga taong inoobserbahan ng DOH dahil sa pagkakaroon ng travel history sa mga lugar o nakasalamuha ng mga tao na apektado ng naturang sakit.