DAGUPAN CITY–Naglabas ng executive order sa lalawigan ng Pangasinan na isailalim ang probinsya sa community quarantine para labanan ang pagkalat ng covid-19.

Ayon kay Provincial Health Officer Dra. Anna Marie de Guzman, kahit wala pang confirmed case ng covid-19 sa probinsya ng Pangasinan ay minabuti na na magkaroon ng restrictions sa pagpasok sa probinsya ng pangasinan kung saan maglalagay ng team sa apat na boarders sa Tarlac Pangasinan La union Express o TPLEX.

Magkakaroon ng team mula sa pnp, pdrrmo at mga nurses na titingin sa mga papasok na sasakyan ngunit exempted naman dito ang delivery trucks, workers at mga ambulansiya.

--Ads--

Makikipag-ugnayan din umano sa mga hospitals sa eastern Pangasinan upang matulungan ang apat na tall plaza na paglalagyan ng team, Carmen, Urdaneta, Pozorrubio at Binalonan exit.

Samantala, bago umano nagdeklara ng community quarantine ay agaran nang nakabili ng supplies at nakapaghanda na para dito, nakausap na rin ang mga chiefs of hospital upang makapaghanda at binuksan na ang isolation building sa pangasinan provincial hospital para sa mga PUI.

Inamin naman ni De Guzman na kulang sila sa manpower dahil patuloy ang serbisyo ng mga frontliners subalit nangako naman ang gobernador na maaari tayong mag outsourcing.