DAGUPAN CITY — Lumubo pa sa higit 9,000 ang bilang ng mga binabatayan dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa pinakalatest monitoring report mula sa tanggapan ng Provincial Health Office (PHO), nasa 9,281 na ang bilang ng mga Person Under Monitoring (PUM) sa nasabing bilang 9,251 ang kasalukuyan paring nasa ilalim ng 14 Days Quarantine habang 30 naman na sa mga ito ang nakatapos ng quarantine period.
Habang umakyat naman na sa 16 ang bilang ng mga Patient Under Investigation (PUI) 11 sa mga ito at ang kasalukuyan paring nasa ospital habang ang lima ay nakalabas na.
Bagamat sa kabila nito, nananatili paring COVID-19 free ang Pangasinan dahil walang nagpositibo dito.
Nitong hapon lamang ay tuluyan ng isinailalim ng Pamahalaang Panlalawigan sa community quarantine sa boung probinsya sa pamamagitan ng Executive Order No. 0013-2020, bagamat ang bayan ng Lingayen, ay una ng nag-anunsyo ng pagpapatupad nito.
Samantala, sa ipinalabas na advisory ng lungsod Dagupan, simula kaninang ala-1 ng hapon ay nagpatupad na ng checkpoint sa lahat ng entry at exit points ciudad na pangungunahan ng hanay ng PNP Dagupan.
Pansamantala namang kinansela ang market day sa bayan ng Calasiao na isinasagawa tuwing Lunes at Huwebes bagamat nananatiling bukas ang kanilang Public Market araw-araw.