Kanselado ang klase sa ilang municipalidad na nasa ilalim ng School’s Division Office 1 Pangasinan partikular na sa mga bayan ng Lingayen, Mangatarem at Bugallon kung saan binigyan din sila ng direktibang magdisinfect ang mga paaralan na tatagal hanggang March 13.

Ayon kay Dr. Sheila Marie Primicias school’s Division Superintendent ng DEPED School’s Division Office 1 Pangasinan, nakikipagcoordinate na rin sila patungkol naman sa local suspensions.

Inoobserbahan din umano nila ang universal precautionary measures katulad ng handwashing at cough etiquette kung saan nagcoconduct ng lectures sa mga bata upang alam ng mga ito ang gagawin.

--Ads--

Dagdag pa niya, may nakikitang disadvantages sa pagkansela ng mga klase ngunit nararapat paring mauna ang kaligtasan ng mga bata.Kahit naman nasa bahay ang mga estudyante ay maaari parin silang matuto sa pamamagitan ng assignments, take home work at E – learning o online learning.

Paalala naman ni Primicias na mag-antabay palagi sa mga balita, huwag tututok sa fake news upang maiwasan ang magpanic at sundin nalang kung ano ang utos ng DOH at LGU.