Nakatakdang magsampa ng karagdagan pang mga kaso ang Bureau of Internal Revenue o BIR Provincial at Regional Office sa mga suspek na naaresto matapos mahulian kamakailan ng tinatayang P200,000 halaga ng pekeng sigarilyo na tinangkang ibenta ng mga ito sa bayan ng Dasol.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pol. Captain Zaldy Fontanos, hepe ng Dasol PNP nauna nangg naisampa laban sa mga suspek ang dalawang kaso na counterfeit at illegal selling of products na mayroong kaugnayan sa intellectual property rights.

Ngunit kasunod nito ay may mga ihahabol pang kaso na isasampa ang BIR matapos asikasuhin ang mga dokumento na kinakailangan upang maisampa nila ang mga kaso.

--Ads--

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa ng PNP ang mga suspek ngunit kung magbibigay ng release order ang korte ay irerelease naman sila lalo at bailable naman ang mga naunang naisampang kaso sa kanila na mayroong piyansa na nagkakahalaga ng 30,000 pesos ang bawat isa.

Ang mga nakumpiska namang mga ebidensiya tulad ng ibat ibang brand ng pekeng sigarilyo ay nasa kustodiya parin ng pulisya at pinag aaralan pa kung posible o maari narin itong iturn over sa BIR para sa proper disposition ng mga ito.

Nakikipag-uganayan pa ang hanay ng kapulisan sa Dasol sa mga iba pang himpilan upang malaman pa kung may mga posibleng transaksyon pa ang mga suspek sa mga karatig na munisipalidad.