Pinawi ni Bombo International Correspondent Engr. Petronilo Figueroa, ang pangamba ng mga kababayan na may kaanak na nagtratrabaho sa Saudi Arabia dahil sa banta ng Corona virus disease.
Sa panayam sa kanya ng bombo Radyo Dagupan, sinabi ni Figueroa na normal pa ang situwasyon doon at gumagawa ng precautionary measures ang Saudi Arabia para mapigilan ang pagkalat ng virus.
Todo ingat din ang mga mamamayan doon.
Dagdag pa niya na may mga nilagay na advisory at sanitizer sa mga pintuan.
Sa video na ipinadala ni Figueroa, makikita ang ginagawang drill ng pamahalaang Saudi para tugunan ang situwasyon.
Samantala, wala din umanong deskriminasyon sa Saudi.
Pansamantalang ipinagbawal muna daw na makapasok ang mga turista sa kaharian ng Saudi Arabia dahil sa corona virus disease.
Bawal na aniyang makapasok sa bansa ang mga taong may hawak na tourist visa pero ang mga pabalik na mga manggagawang Pilipino galing sa bakasyon ay nakakapasok pa naman.
Nabatid na malapit na umano ang panahon ng tag init kayat inaasahang mapupuksa ang nasabing virus.