Nagkakaubusan na rin ng face mask , tissues at iba pang bilihin sa Hongkong dahil sa Corona virus disease.

Sa panayam ng bombo radyo Dagupan kay Benilda Untalan, OFW sa Hongkong, base sa kanyang nasaksihan sa mga groceries, wala ng makikitang mga tissues at facemask.

Mula ng pumutok ang balita ukol sa pagkalat ng COVID 19 ay nag panic buying na ang mga residente doon.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay wala pa ring pasok doon ang mga estudyante para na rin sa kanilang proteksyon.

Nagsara rin ang ibang business establishment habang mayroon pa ring mga nagpapatuloy sa kanilang negosyo.