Nagpatawag na ng emergency meeting si Mangaldan Mayor Marlyn Lambino kung saan iniutos sa lahat ng kapitan na gumawa ng talaan o listahan ng bilang ng baboy sa kanilang nasasakupang barangay para mamonitor at matukoy ang bilang ng baboy sa bayan.
Ito ang kinumpirma ni Councilor Aldrin Soriano, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan. Nabatid sa naturang pagpupulog, nabunyag kung saan nagsimula ang ASF sa naturang bayan na sinasabing mula sa isang pulis na nakadestino sa binmaley na sumama rin sa isinagawang culling operation sa bayan ng Lingayen at Binmaley.
Pagkauwi nito sa bahay nila sa barangay Bateng hindi niya alam na carrier na ito ng virus na maaring dumikit sa kaniyang katawan at naikalat sa pamamagitan ng hangin.
Kaya pinayuhan ang mga awtoridad na magdisinfect pagkauwi ng bahay para hindi kumalat ang virus.
Sa ngayon, ang pangunahing motibo ni mayor marlyn at ng municipal government na maproteksyunan ang mga maliliit na negosyante para hindi na madamay pa ang kanilang baboy.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan na magkakaroon ng kaukulang bayad sa mga negosyanteng may-ari ng mga baboy na isinailaim sa culling mula sa provincial government at munisipyo.
Hinikayat din ang lahat na agad ipaalam kung may mga kahinahinala o nagpapasok ng mga baboy mula sa ibang bayan.