Iniutos ng Department of Interior and Local Government o DILG Region 1 mga Local government units na ipatupad ang call to action sa pamamagitan ng pag activate ng task force barangay at health emergency response team para kung sakaling may mga turista at mga bagong dating galing sa ibang bansa sa isang barangay ay susuriin kung may sintomas ng coronavirus disease 2019.

Hinikayat din ni DILG Regional Director James Fadrilan ng Region 1 ang lahat na sundin ang payo ng DOH na magsuot ng mask kung sakaling lalabas at hindi maiwasang pumunta sa mataong lugar.

Gumawa na rin umano ng task force sa region1 kahit wala pang kaso ng covid19 at sinigurong handa kung sakali sa banta ng corona virus disease ang buong rehiyon.

--Ads--

Una rito, ipinagpaliban muna ng lahat ng public events at gatherings dito sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa banta ng Coronavirus disease 2019 epektibo Kahapon February 13 hanggang sa kalagitnaan ng buwan ng Abril ng kasalukuyan taon, alinsunod ito sa inilabas na advisory ng Department of Interior and Local Government at Department of Health.