Nilinaw ng Provincial Health Office na walang dapat na ipangamba ang publiko lalo na ang mga Pangasinense kaugnay sa banta ng bird flu na muling pumutok sa bansang China nito lamang buwan.

Ayon kay Prov. Health Officer Dr. Anna Marie De Guzman, ipinaliwanag nito na may mga positibong kaso ng bird flu ngayon sa China dahil panahon ng taglamig at malaki ang posibilidad na mag migrate ang mga ibon sa ibat ibang mga bansa o lugar.

Kaya naman sa ngayon ay nakikipag ugnayan na sila sa sektor ng agrikultura bagamat hindi pa man natatapos ang kasalukuyang problema rin sa African swine fever sa bansa.

--Ads--

Kaugnay parin dito ay nakikita na baka magkaroon ng bird flu emergency kung sakali man na magkaroon din ng positibong kaso ng bird flu sa Piilipinas partikular na carrier nito ay ang mga ibon, pato at mga manok kabilang ang mga migratory birds.

Dagdag pa nito na maituturing itong contagious disesase at nagpapakita ng flu like symptoms gaya ng lagnat, sakit sa ulo, pananakit ng lalamunan, sore eyes at panghina ng katawan at may ebidensiya na naililipat ito sa tao kaya naman pinapaiwas muna ang publiko sa direct contact sa mga nabanggit na hayop bagamat wala pang deklarasyon na mayroon ng bird flu case sa ating bansa na nararanasan sa bahagi ng bansang China sa ngayon.