Maituturing na nasa danger level na ang ilang katubigang sakop dito sa probinsiya ng Pangasinan partikular na ang Nibaliw at Narvate Beach sa bayan ng San Fabian na nakitaan ng mataas na fecal coliform.
Ayon kay Engr. Raymundo Gayo, OIC PENRO Pangasinan, 100 ang maituturing na normal fecal coliform ngunit sa kasamaang palad, umabot ang Nibaliw Beach sa 588 samantalang sa Narvate naman ay 103.
Kung pagbabasehan din ang kanilang datos noong nakaraang taon, ang Tondaligan Beach dito sa lungsod ng Dagupan ay nananatili sa ‘acceptable level’.
--Ads--
Maliban aniya noong buwan ng Agosto kung saan naitala ang pinakamataas na coliform level na umabot sa 1,700.