Pinabulaanan ni Dr. Anna Marie De Guzman, Provincial Health Officer ng Pangasinan ang kumakalat na maling impormasyon hingil sa mayroon na umanong nag positibo sa 2019 Novel Corona Virus (nCoV) dito sa ating lalawigan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, kay De Guzman na ang Pangasinan ay nanatiling “nCoV free” at kaugnay nito, naglabas na rin ang Region 1 Medical Health Center at Pangasinan Provincial Hospital, Biyernes, January 31 na walang Person Under Investigation (PUIs) sa Pangasinan.

Nakiusap rin si De Guzman sa publiko na tigilan na ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon patungkol sa naturang virus lalo na’t nagdudulot ito ng panic sa mga taong nakatira sa liblib na lugar.

--Ads--

Base aniya sa karanasan sa epidemyang Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) noong 2002, na agarang iniutos ng Department of Health (DOH) na i-tract ang isang Pangasinenseng kasama sa eroplanong lumapag sa Pilipinas galing Canada na nakakitaan ng sintomas ng SARS na siyang pinabantayan sa PHO Pangasinan.

Aniya, ang mga ganitong response protocol at usapin kasama ng DOH ay naisagawa na noong naitala ang epidemyang SARS at MERS-CoV sa Pillipinas