Hindi pa rin natatagpuan ang pitung nawawalang mangingisda mula sa bayan ng Dasol at Infanta dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Marine Capt Jojit Ofiaza, spokesperson ng Naval Forces Northern Luzon, nagpapatuloy pa rin ang paghahanap nila katuwang ang philippine Coastguard, Phlippie Maritime at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Araw araw umanong naglalayag ang kanilang barko at narating na nila ang Scarboroagh Shoal.

--Ads--

Pinaniniwalaan nilang nasira ang kanilang banca matapos maabutan ng malakas na alon sa karagatan.

Umaasa pa rin umano ang kanilang mga kaanak na buhay pa ang mga nawawalang mangingisda.

Ipinaliwanag ni Ofiaza na ang kuryente ng dagat ay papuntang Norte at maari silang napadpad doon.

Una nang nag-report sa PCG-Pangasinan ang may-ari ng fishing banca na si Christine Macaraig, matapos mabigong makabalik ang pitong mangingisda kabilang ang Boat Captain na si Alberto Roldan, sa kanilang lugar sa Infanta noong Enero 14.

Ang mga nawawalang mangingisda ay kinabibilangan nina: Roderick Montemayor, Homar Maglantay, Ejay Dela Cruz, Jerome Maglantay, Larry Legaspi, at Jefferson Bernabe.