Pinawi ng Provincial Health Office (PHO) Pangasinan ang pangamba ng publiko hinggil sa paglapag ng ilang eroplano sa bansa na mayroong lulang daan-daang mga Chinese nationals mula sa Wuhan, China.

       Paliwanag ni Dra. Ana Marie De Guzman, Provincial Health Officer ng probinsya, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, walang dapat na ipangamba ang publiko lalo at mahigpit na binabantayan ng mga ito dahil narin sa umiiral na protocol na sinusunod kung saan kasama na ang pag-alerto sa mga lugar na posibleng mapuntahan ng mga ito sa bansa katulad ng ipinatupad ng magkaroon ng Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV).

       Bagamat sa kasalukuyan ay wala naman aniyang natatanggap na abiso o alerto ang kanilang tanggapan may kaugnayan nito.

--Ads--
Bahagi ng exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan kay Dra. Ana Marie De Guzman, Provincial Health Officer ng Pangasinan

       Matatandaan na humigit-kumulang 400 mga nakaalis parin sa Wuhan, China bago maipatupad ang lockdown doon kung saan pinakahuli ay noong Enero 23 at mayroong mahigit 100 Chinese nationals mula sa Wuhan ang dumating sa Kalibo Airport.

       Bukod dito ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) mayroong dalawang eroplano na nagsasakay ng mga Chinese galing Wuhan patungong Kalibo Airport para magtungo sa Boracay. Kabilang dito ang Royal Air Philippines at Pan Pacific Airlines.

       Sa ngayon ay nakabalik na umano ang mga ito sa kanilang bansa.