Nananatiling Novel o Wuhan Coronavirus free ang lalawigan ng Pangasinan at boung Pilipinas.

       Ito ang ginawang pagtitiyak ni Dra. Ana Marie De Guzman, Provincial Health Officer ng probinsya, sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, kasunod narin ng paglabas ng mga ‘fake news’ na kumakalat na sa bansa ang naturang sakit na una ng naitala sa Wuhan City, China at unti-unti naring kumakalat sa iba pang bansa maging sa Estados Unidos.

       Giit ni Dra. De Guzman, hanggang sa ngayon ay walang clinical confirmed case nito sa bansa maging dito sa lalawigan kahit pa mayroong ilang indibiduwal na binabantayan kayat maituturing parin aniyang walang kaso nito sa bansa.  

--Ads--
Bahagi ng exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan kay Dra. Ana Marie De Guzman, Provincial Health Officer ng Pangasinan

       Sa kabila nito ay mahigpit aniya silang nakatutok sa nasabing usapin at sa katunayan ay nasa 90 pusyentong nakaabang ang kanilang kagawaran para sa mga update ng mga kautusan na maaaring ipalabas ng Department of Health (DOH) para maiwasan ang pagpasok ng nasabing virus sa bansa habang umaasa muna sa ginagawang pagbabantay ng Bureau of Quarrantine sa mga entry at exit points ng bansa.

       Bagamat, inihayag ni Dra. De Guzman, na nagpalabas na ito ng kautusan sa 14 na Government Hospital sa probinsya na maging alerto at magkaroon ng re-evaluation sa mga pasyenteng may mga flu-like symptoms na nagpapasuri sa mga naturang pagamutan.

Bahagi ng exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan kay Dra. Ana Marie De Guzman, Provincial Health Officer ng Pangasinan