Ideneklara ang state of calamity sa bayan ng Malasiqui kasunod ng pagkakatala ng bagong kaso ng african swine fever (ASF) sa kanilang bayan.
Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Celia Catunggal, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO officer sa bayan ng Malasiqui, ito ang napagkasunduan sa regular session ng Sangguniang Bayan.
Layunin aniya ng deklarasyon na may magamit na pondo sa ASF operation na naglalayong mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit ng hayop.
Samantala, isasagawa ngayong araw ang culling o pagpatay sa 346 na baboy sa barangay Payar.
Sa ngayon ay tuloy tuloy din ang checkpoint sa kanilang bayan.
Matatandaan na lumabas sa isinasagawang pag-iimbestiga sa pagkamatay ng ilang mga baboy sa Brgy. Linoc, Binmaley na galing sa bayan ng Malasiqui ang ilan sa mga ito na binili para sa isang kasalan subalit namatay na bago pa man makatay dahil sa sakit.