Kinumpirma sa bombo radyo Dagupan ni POL.COL. Redrico Maranan, provincial director ng Pangasinan PNP na mayroon talagang mga nawawalang mangngisda sa bahagi ng Western Pangasinan.

Base aniya sa kanyang raw information, may pitung nawawalang mangingisda. Ang lima ay mula sa bayan ng Infanta at dalawa mula sa bayan ng Dasol.

Sinabi ni Maranan na inatasan na niya ang mga chief of police ng bayan ng Dasol at Infantra na magtungo sa mga coastal barangay para magsagawa ng revalidation ukol sa mga nawawalang pitung mangingisda.

--Ads--

Kumpirmado aniyang may dalawang nawawala sa bayan ng Dasol habang hinihintay pa niya ang validation naman mula sa bayan ng Infanta.

Una nang nag-report sa PCG-Pangasinan ang may-ari ng fishing banca na si Christine Macaraig, matapos mabigong makabalik ang pitong mangingisda kabilang ang Boat Captain na si Alberto Roldan, sa kanilang lugar sa Infanta noong Enero 14.

Nabatid na mahigit nang isang linggo na nawawala ang mga mangingisda na kinabibilangan nina: Roderick Montemayor, Homar Maglantay, Ejay Dela Cruz, Jerome Maglantay, Larry Legaspi, at Jefferson Bernabe.