Tiniyak ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Philvolcs maging ng tanggapan ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO na walang dapat ipangamba ang mga residente dito sa lalawigan ng Pangasinan kahit pa may mga namataang bulkan mula sa iba’t-ibang lugar.
Ayon kay PDRRMO Research and Planning Analyst Ronn Dale Castillo, originaly, 3 ang tinukoy ng Philvocs na bulkan na matatagpuan sa Pangasinan kung saan ang mga ito’y makikita sa bayan ng Umingan, Mangatarem at Balungao.
Ngunit paglilinaw din ng Philvocs na ang mga bulkang ito ay tinatawag na “extinct” o patay na at nangangahulugan lamang na wala na itong tyansa para sumabog.
Ginawa ng PDDRMO ang paghayag para mapawi ang pangamba ng mga Pangasinense sa posibleng pagputok ng bulkan na nasa lalawigan .
Samantala, iginiit ni Castillo, na kung may dapat mang pangambahan ang mga Pangasinense na may kinalaman sa aktibidad ng volcanic erruption o lindol, ito ay ang Manila Trench na kinakikitaan din ng mga bulkan.
Ayon sa Philvocs, ito ang maaaring mag generate ng Tsunami.
Ito ang pinakamalapit sa lalawigan ng Pangasinan kung kayat patuloy ang kanilang isinasagawang monitoring upang mapag handaan ang kahit na anumang banta sa ating nasasakupan.
Sa ngayon ayon sa opisyal ay walang dapat na ikabahala ang mga residente dito sa Pangasinan at tanging magagawa na lamang natin ay mag alay ng patuloy na dasal at tulong sa ating mga kababayan na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal.
Gayunpaman, hindi din nangangahulugan na dapat ng maging kampante ang mga Pangasinense bagkus, dapat pa rin tayong maging alerto at mapag matyag lalo na sa mga panahon ng kalamidad.