Nagmistulang ghost town na ang ilang bayan sa Batangas kasunod ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ito ang pagsasalarawan ni Lt. col. Mary Crystal Peralta, tagapagsalita ng PNP Region 1, nang personal na tunguhin ang Batangas para tignan ang situwasyon sa lugar.

Ayon kay Peralta, napakadelikado pa rin sa doon kaya ang ibang mga residente ay nagpunta na sa ibat ibang lugar para sa kanilang kaligtasan.

--Ads--

Natural disaster ang nangyari at walang makapagsasabi kung kailan hihinto ang pag alburuto ng bulkan.

Sa panahon aniya ng pananatili niya sa San Luis, Batangas, naramdaman niya ang ilang mahihinang pagyanig sa buong magdamag.