DAGUPAN CITY–Nagpadala ng tulong ang Provincial Government ng Pangasinan para sa mga biktima ng pag alburuto ng bulkang Taal sa Batangas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO Spokesperson Avenix Arenas, mahigit sa 70 personnel mula sa PNP, PDRRMO, General Service Office, Provincial Social Welfare Office at Provincial Engineering Office ang ipinadala sa Batangas para ihatid ang mga food and non-food items na makakatulong sa mga nabiktima ng pag aalburuto ng bulkang Taal.

Ipinadala rin ang anim na dumptruck , apat na rescue truck at isang bus.
Mananatili ang mga nabanggit na personnel hanggat kakailanganin ang kanilang tulong.

--Ads--

Sa ngayon ay nasa Batangas na ang mga ito para ibigay ang kanilang ayuda at kinakailangang serbisyo.

Ang naturang hakbang ay bilang bahagi ng pagtalima sa ipinalabas na memo ng Department of Interior and Local Government o DILG na makipag koordinasyon sa PDRRMO Batangas sa pagbibigay ng ayuda sa mga naapektuhang residente sa rehiyon sa pagsabog ng Taal Taal noong hapon ng Linggo.