Naghatid ng tulong ang PNP Pangasinan sa mga nasalanta ng pagsabong ng bulkang taal.
Ayon kay Police Captain Ria Tacderan, tagapagsalita ng Pangasinan PNP, tumungo na ang unang batch ng mga pulis para maghatid ng tulong.
Sinabi ni Tacderan na may 100 personnel na nakastandby at ready for deployment anumang araw.
--Ads--
Patuloy din umano na tumatanggap ng mga donations ang lahat ng kanilang police stations para dalhin sa Batangas.
Samantala, nanawagan sa publiko si Tacderan na suportahan ang mga programa ng kapulisan dahil kahit gaano man kaganda ang mga programa at mga ipinatutupad na batas ay hindi magiging matagumpay kung hindi sila tutulungan ng mga mamamayan.