Bumaba ng tinatayang 46% ang firecracker related incidents sa lalawigan ng Pangasinan sa pagsalubong ng bagong taong 2020. Ayon sa tala ng PHO, mula December 21 hanggang January 1 umaabot sa 41 ang naitalang Firecracjer Related incidents mas mababa sa 76 na naitala sa kaparehong panahon sa nakalipas na taon.

Samantala, ang firing incident ay isa lang , dati ay apat at walang astray bullet incident kumpara sa dalawang naitala noong nakalipas na taon.

Kaugnay nito, pinasalamatan ni PNP provincial director Police Col. Redrico Maranan, ang lahat ng pulis.

--Ads--

Kinilala ni Maranan ang sakripisyo ng kapulisan upang mapababa ang bilang ng mga biktima.

Ang mga biktima ay edad 6 na taong gulang hanggang 45 na karamihan ay mga lalaki. 10 kaso ay dahil sa kwitis, 8 kaso luces, five star may 8 kaso, 4 sa fountain, 1 kaso dahil sa boga, watusi at goodbye Philippines , 3 kaso dahil sa bawang, 2 kaso dahil sa whistle bomb at 3 sa di pa malamang uri ng paputok.

Ang mga naapektuhang parte ng pakatawan ay kamay, ulo, paa at tuhod, abdomen, balikat , mata, likod at dibdib.