Nakapagtala ng 27 % o walong kaso ng fireworks related injury sa Pangasinan mula December 21 hanggang December 28 kahapon na mas mababa kumpara noong nakaraang taon na nakapagtala ng 11 kaso.
Base ito sa datos ng Provincial Health Office ng lalawigan na ibinahagi ni Provincial Health Office Chief Anna Ma. Teresa De Guzman.
Karamihan sa mga nabiktima ng paputok ay nasa edad anim hanggang 10 taong gulang, lahat ay pawang mga kalalakihan.
Pito ang naitalang active users na biktima ng paputok at 1 naman ang passive user.
Ilan sa mga apektadong parte ng katawan na may kinalaman sa firecracker incident ay apat na kaso ng hand injury, 2 kaso ng head/ neck injury at isang knee injury.
Samantala, nakapagtala din ng mga fireworks related injuries sa lalawigan kung saan 2 ang nabiktima ng whistle bomb, 2 kaso ng luses, 2 kaso ng five star, 1 fountain at 1 kwitis.