DAGUPAN CITY–Agad na ipinagbigay alam sa hanay ng Philippine Navy at Philippine Coastguard ang naganap na pagsadsad ng foreign vessel sa dalampasigan ng barangay Patar sa bayan ng Bolinao Pangasinan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pol. Col. Redrico Maranan, PNP Provincial director sa lalawigan ng Pangasinan, sinabi nito na nagsasagawa na ng kasalukuyag pagsisiyasat sa foreign vessel at mga laman nito.

Ipinaliwanag ng opisyal na pinag tuuunan nila ng pansin ang posiblidad na pagkakaroon ng oil spill o pagtagas ng langis sa dagat.

--Ads--

Samantala, tiniyak naman ni Maranan na may inihanda silang contigency plan sakaling magkaroon ng oil spill.

Bantay sarado rin umano ang mga sakay ng Marine vessel at handa silang bigyan ng police assistance kung kinakailangan.

Pol. Col. Redrico Maranan, Pangasinan PNP Provincial Director

Nauna rito nabalot ng takot ang ilang residente ng Brgy. Patar matapos na sumadsad at tumagilid sa dalampasigan ang isang oil tanker

Patungo sanang Brunei mula sa China ang naturang oil tanker nang magkaroon ng engine trouble at natangay ng alon papunta sa dalampasigan ng Bolinao.

Wala namang nasaktan sa mga sakay ng oil tanker.