DAGUPAN CITY–Dimipensa ang PNP Region 1 ilang batikos may kaugnayan sa pinatutupad nilang seguridad sa Rehiyon lalo na sa ilang lugar na magsisilbing venue para sa 30th South East Asian (SEA) Games.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Police Lt/Col. Mary Crystal Peralta, tagapagsalita ng PNP Region 1, na wala silang nakikitang problema sa pagtatalaga ng nasa 1,250 PNP personnel kasama na ang mga force multiplier partikular na sa lalawigan ng La Union kung saan gaganapin sa bayan ng San Juan ang ilang water sports events ng SEA games.

Paliwanag ni Peralta, hindi lamang mga Pinoy ang babantayan sa naturang aktibidad kundi maging ang mga dayo mula sa iba’t-ibang lugar sa Asya, kayat nararapat lamang ang nasabing bilang.

--Ads--

Sa katunayan aniya ay maaari pang madagdagan ang naturang bilang kung kakailanganin.

Una rito, isinagawa ang isang send off ceremony sa Carlatan, La Union, sa mahigit 1000 security forces mula sa pinagsanib na puwersa ng iba’t-ibang Govenrment forces.

Nabatid na una nang isinailalim sa gun ban ang buong La Union at itinaas narin ang full alert status ng PNP simula noong Nobiembre 20 na magtatapos sa Desiembre 14.

Samantala, inihayag naman ni Peralta na asahan na ang mga nakangiting mga pulis na magbibigay seguridad sa lalawigan lalo at ito aniya ang bilin ni PNP OIC Lieutenant General Archie Francisco Gamboa sa pagbisita nito sa La Union kahapon upang mag-inspeksyon sa magsisilbing mga venue sa SEA Games.

Subalit, bukod dito, sila din aniya ay binilin ni Gamboa, na ipagpatuloy ang internal cleansing kasabay ng pagtupad sa iba pang mandato ng PNP.