‘OPLAN PANAGSUBLI’ in Mabini, Pangasinan

Mayroon pang mga magbabalik loob sa pamahalaan na dating miyembro ng rebeldeng grupo ng Communist Party Of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) dito sa lalawigan ng Pangasinan.

        Ito ang nabatid mula kay Romulo Manzano, Presidente ng Barlo Farmers Association at ng mga sumukong dating miyembro ng rebeldeng grupo ng CPP-NPA, matapos isagawa ang ‘Oplan Panagsubli’ o Ceremonial turn-over ng mga dating rebelde at mga rebel supporters na isinagawa sa Mabini Town Plaza.

       Paliwanag nito, may mga kasamahan pa silang nasa proseso pa ng pagbabalik loob kayat asahan na aniya na mayroon pang susukong dating rebelde.

--Ads--

       Sa katunayan, aniya silang 26 na sumuko kasama ng kanilang pamilya ay mula lamang sa bahagi ng Brgy. Barlo, Mabini subalit, may karagdagang higit 20 rin na magbabalik loob.

Bahagi ng pahayag ni Romulo Manzano, Presidente ng Barlo Farmers Association at ng mga dating NPA na nagbalik loob sa pamahalaan

       Kasabay ng pagbabalik loob ng 26 na dating miyembro ng rebeldeng grupo at ng kanilang pamiya, ay nilagdaan ang Resolution No. 11-19-83 ng Sangguniang Bayan ng Mabini, na nagdedeklarang ‘persona non Grata’ sa mga miyembro ng CPP-NPA. (with reports from Bombo Cherryl Ann Cabrera)