Sisikapin ng Provincial Health Office na manatiling polio free ang lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay PHO 3 nurse Thelma Tejada, natutuwa ang kanilang tanggapan dahil wala maski isang kaso ng naturang sakit ang naitala sa lalawigan.
Dapat mapanatili at masunod ang tatlong beses na pagbabakuna ng isang bata partilkular na tuwing ika 6 , 10 at ika 14 na linggo nito. Kinakailangan umanong bago marating ang edad na 12 buwan ng isang bata ay nakuha na at sumailalim na siya sa 3 beses na pagpapabakuna kontro polio.
Batay sa datus ng PHO sa immunization coverage mula 2014 hanggang 2018, naitala ang pinakamababa noong 2016 kung saan mayroon lamang 56.27 percent at ang pinakamataas naman ay noong 2018 na mayroong 65.66 percent na kinuha sa pamamagitan ng projected population na ibinigay ng Department of Health o DOH.
Mas pinaigting din nila ang kanilang house to house validation para malaman kung saang barangay sa mga bayan o ciudad ang mayroong mababang immunization coverage.