DAGUPAN CITY–Maging ang 102nd maritime police station ay nakatutok narin kaugnay sa issue ng African Swine Fever o ASF dito sa lalawigan ng Pangasinan.


Ayon kay Captain Denny Torres, Chief of Police ng 102nd Maritime Police Station, tuluy tuloy ang kanilang monitoring upang maiwasang makapuslit ang mga produktong kontaminado ng sakit.


Sinabi nito wala pa silang namomonitor na ipinupuslit na baboy at frozen meat products sa mga vessels at nananatiling maganda ang kanilang ugnayan sa costguard at iba pang ahensya.

--Ads--


Ipinaliwanag pa ng opisyal na ang Philippine Coastguard ang may kakayahan na magsagawa nang inspeksyon sa mga sasakyang pandagat na dumadaong o dumadaan sa karagatang sakop ng probinsya.


Kung matatandaan na daang daang baboy ang isinailalim sa “culling” matapos mapag-alaman na positibo sa ASF ang ilang baboy sa lalawigan ng Pangasinan.