Tuluyan nang ipinagbawal sa lalawigan ng Pangasinan ang ilang produkto ng Mekeni Food Corporation matapos makumpirmang nagpositibo sa African swine fever.
Ayon kay engr. Rosendo So, chairman ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, layon nitong maprotektahan ang mga lokal industry sa lalawigan.
Giit ni So na lahat ng papasok na mga processed at canned goods ay kukumpiskahin na upang maiwasan na kumalat ang ASF. Dahil dito kailangan aniyang paigtingin pa ng mga LGUs ang checkpoints.
Samantala, hinimok niya ang mga local producers na gumawa na lamang ng sariling produkto para tiyaking ligtas sa ASF. Negatibo aniya ang mga produkto na galing sa local producers dahil tiyak na dumaan ito a test .
Bagama’t hindi nakaaapekto sa kalusugan ng tao ang ASF, matindi ang epekto nito sa mga baboy na maaaring makaapekto sa lokal na industriya ng pagkakarne.