Labis ngayon ang kagalakan ng mga Pangasinense matapos tanghalin bilang grand champion ng The Voice kids season 4 si Vanjoss Bayaban ng bayan ng Asingan at mula sa team ni Pop star Sarah Geronimo.
Nakakuha si Vanjoss ng 62 . 11 percent ng total public votes.
Tinalo nito ang dalawa pang kalahok na sina Carmelle Collado ng Kamp Kawayan at Cyd Pangca ng Familea.
Nag-uwi si Vanjoss ng P2 million na cash prize, house and lot at isang recording contract.
Sa kanyang power ballad performance kagabi, nagpakitang gilas si Vanjoss sa kanyang rendition sa kantang you raise me up.
Nagkaisa ang mga kababayan nito dito sa lalawigan sa pagsuporta rito kung saan maging ang Provincial Government at ibang LGU ay nanawagan sa mga kababayan na iboto ito sa kompetisyon.