Itinaas na sa red alert status ang alerto ng Pangasinan PNP kasabay ng Undas 2019.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PNP Provincial Director Police Col. Redrico Maranan nangangahulugan ito n na boung hanay ng kapulisan sa boung lalawigan ay magagamit para mabigyan ng sapat na seguridad ang mga magtutungo lalo na sa mga sementeryo ngayong Undas.
Una rito nagkaroon na siya ng final coordination conference sa lahat ng Chief of Police sa lalawigan para makita kung tama na ang preprasyon ginawa, security plan, contingency plan, emergency plan.
Naging matagal din ang komperensiya nila at nakita niyang “sufficient” ang ginawa nilang preparasyon sa Undas.
Nais kasi umano nilang matiyak na maayos na maipapatupad ang ginawang paghahanda para sa kapakanan ng mga bibisita sa mga sementeryo ngayong Undas.
Sa kabila nito tiniyak pa rin ni Maranan na sapat pa rin ang bilang ng mga kapulisan na siyang gaganap sa regular police function.
Nahati ng maayos ang bilang ng kapulisan na magmimintina ng kaayusan sa probinsiya katuwang pa ang 6,000 mga force multipliers, non government organizations at iba pang mga volunteers.