Iginiit ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So, na dapat isailim rin sa test ang mga processed meat products at frozen meat na ibinibenta dito sa lalawigan ng Pangasinan upang patunayang ligtas sa African Swine Fever o ASF.
Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan, sinabi So na dapat dumadaan din sa test ang mga processed meat na dinadala sa lalawigan.
Kung mapatunayan aniya positibo sa ASF ang produkto kailangan na maibalik sa point of origin o pinanggalinganan nito.
Dapat ding imonitor maging ang mga processed meat sa loob ng mga palengke.
Nanawagan sa publiko si So na huwag basta basta bibili ng mga processed meat at tignan kung may certification na nagpapatunay na walang ASF.
Matatandaan na naalarma ang publiko nang mapa-balitang maging ang mga processed meat products tulad ng hotdog, tocino at longganisa at apektado rin ng African Swine fever.