Patay ang isang estudyante matapos malunod habang kumukuha ng tulya sa Panaga river sa bayan ng Laoac.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng pulisya, sinamahan ng Grade 5 pupil na si Alberto Paras Jr. ang kaniyang 79 taong gulang na lola para kumuha ng tulya o clamps sa nabanggit na ilog.
Sa di inaasahang sumunod na pangyayri, nagkahiwalay ang maglola at di namalayang nalulunod na ang apo nito.
Ayon sa salaysay ng lola ni Alberto, nagawa pa nitong humingi ng tulong sa kaniya.
Sinubukan din aniyang sagipin ang nalulunod na apo ngunit paglingon niya ay tuluyan na itong nalunod.
Samantala, pinayuhan naman ng pulisya ang publiko para di na maulit ang nangyaring insidente na huwag hayaan ang mga batang sumama sa mga lugar tulad ng ilog na may malalalim na parte.