Naniniwala si Engr Rosendo So , Chairman ng  Samahan ng Industriyang Agrikultura (SINAG) na isa ang pansamantalang pagbabawal sa pagpasok ng imported  frozen meat sa probinsiya sa paraan upang makontrol at hindi na madagdagan pa ang lugar na maapektuhan ng African Swine Fever.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay   So , tulad sa ginawa sa ibang lugar tulad na lamang sa Cebu at ilang lugar sa Visayas at Mindanao na ipinahinto muna ang pagpasok ng imported frozen meat at hindi ito nakwestyon ng mga national governments dahil may batas naman na sumasakop dito.

Sakali naman aniya na itigil muna ang pagpasok ng mga imported frozen foods sa probinsiya ay sapat pa rin ang supply nito sa lalawigan.

--Ads--

Paliwanag ni So ito’y dahil kalahati ng produksyon ng boung rehiyon ay halos galing din sa Pangasinan.