Agad kinordon ang Brgy. Apalen sa bayan ng Bayambang matapos na magpositibo sa Afrcan Swine Fever ang 30 nasawing baboy sa lugar.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr Rosendo So , Chairman ng Samahan ng Industriyang Agrikultura (SINAG) na nagsagawa sila crisis management team meeting at doon natalakay ang mga dapat nilang gawin.
Napag kasunduan na agad irereport ang lahat ng maitatalang insedente ng pagkasawi upang hindi na ito kumalat pa sa ibang lugar.
Inaalam din nila kung saan galing ang nakapasok na virus at nilinaw na hindi ito galing sa Mapandan.
Hinala nila na sa mga nakakapasok sa frozen products ito nagmula.
Dahil dito ipinayo ni So na maimplementa ang quarantine sa mga nakakapasok na mga frozen products sa probinsiya upang matiyak na hindi ito infected ng ASF.
Nag-aalala umano sila na dahil sa nakakapasok ang mga frozen products ay madagdagan pa ang lugar na makapagtala ng ASF.
Nabatid na ang mga nasawing baboy ay nasa labas ng 10 kilometer radius kung saan unang nakapagtala ng pagkasawi ng mga baboy partikular sa Brgy Baloling Mapandan.
Dahil dito ay masusi ngayong iniimplementa ang 1-7-10 radius protocoal upang matiyak na hindi na madagdagan pa ang mga baboy na maapektuhan ng sakit.