Nagsimula ng lumikas ang mga residente sa Nagano prefecture sa Japan sa mga evacuation center dahil sa takot sa magiging epekto ng Typhoon Hagibis.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Walter Manaois, residente ng barangay Pugaro dito sa lungsod ng Dagupan at isang OFW sa Nagano prefecture sa Japan, maaga na silang inabisuhan na lumipat sa mas mataas na lugar dahil sa pagtama ng bagyo.

Nasa dalawang daan silang trabahor sa nasabing lugar.

--Ads--

Bantay sarado na umano ngayon ang mga pulis para matiyak na ligtas ang mga evacuees.

Hindi na aniya sila pinapalabas sa evacuation center dahil delikado umano ang panahon.