Posibleng bawiin na ang protocol 1-7-10 kilometers radius matapos na magnegatibo sa African Swine fever o ASF ang mga baboy sa barangay Baloling sa bayan ng Mapandan, Pangasinan.
Sa ngayon ay mahigpit pa rin ang pagbabantay sa mga quarantine checkpoint sa probinsya. Patuloy pa rin ang monitoring sa mga baboy sa mga bayan na nasa loob ng 10 kilometers radius.
Unti unti na ring sumisigla ang kalakalan ng baboy sa pamilihang bayan ng Mapandan. Umaasa ang mga meat vendor na sila ay makakabangon sila sa pagkalugi.
Matatandaan na ipinatupad ang protocol na 1-7-10 kung saan mahigpit na pinagbabawal ang paglabas at pagpasok ng baboy sa barangay Baloling sa nasabing bayan matapos na magpositibo sa african swine fever ang mga baboy na galing Bulacan na dinala sa lugar.