Ipinagmalaki ni Dagupan City Mayor Mark Brian Lim sa kanyang ika isang daang araw bilang alkalde ng lungsod, na bago pa man may lumabas na utos si pangulong Rodrigo Duterte na road clearing operations ay ipinapatupad na ng LGU Dagupan ang pag-lilinis at pag aalis ng mga istrakturang nakakasagabal sa kalsada partikular sa  kahabaan ng Galvan St. at harapan ng Magsaysay fish market.

Binigyang pugay din ni Lim ang mga residente na naapektuhan ng road clearing operation dahil sa pagsunod ng mga ito sa kautusan.

Inihayag din nito na lahat ng tarpaulin ng mga pulitiko ay   tinanggal bago at matapos ang election.

--Ads--

Samantala, sinikap din ng pamahalaang lokal na malinis ang paligid ng Tondaligan beach at ginawang uniform ang mga sheds sa lugar.

Kaugnay nito, pinuri at pinasalamatan ng alkalde ang lahat ng tumulong  upang maisakatuparan ang mga pagbabago sa siyudad sa pangunguna ng POSO, anti hawking task force, Dagupan City Police,  mga punong barangay at city engineering office.

Matatandaan  na kamakailan,  binigyan ng  95 percent  na grado ang lungsod ng Dagupan ng validation team sa pangunguna ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagtugon ng lungsod sa  Road-Clearing operation.