DAGUPAN CITY– Aminado si Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino III na posibleng maapektuhan ang hog raising industry sa probinsiya matapos na makapasok ang mga alagang baboy mula sa Bulacan na positibo sa African Swine Fever.

Ayon kay Espino na normal lamang ito lalo’t nakapasok na ang ASF virus sa probinsiya.

Pero tiniyak ng Gobernador na ginagawa na umano nila ang lahat para ma-contain ang lugar kung saan nadala ang mga apektadong baboy partikular sa Brgy Baloling Mapandan.

--Ads--

Mahigpit pa rin aniya ang ipinapatupad nilang hakbang partikular na ang ground zero o ang “1-7-10” protocol.

Sa ilalim ng protocol, isinasakatuparan ang quarantine checkpoint sa pagbibiyahe ng buhay na baboy, karne at iba pang pork product sa loob ng 1-kilometer radius mula sa apektadong farm.

Sa loob naman ng 7-kilometer radius, isinasagawa naman ang surveillance at paglimita sa galaw ng mga hayop.