Isinailalim sa culling process ang anim pang mga baboy na hinihinalang apektado ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Mangaldan.
Ang mga baboy na ito ay bukod pa sa nauna ng 103 na pinatay kahapon na nakapaloob sa 1 kilometer radius mula sa ground zero sa Brgy. Baloling sa bayan ng Mapandan, matapos na magpositibo ang 15 sa 60 mga baboy na ipinuslit sa probinsya galing sa lalawigan ng Bulacan.
Ayon sa mga otoridad, nakuha ang mga baboy sa Barangay Guesang sa bayan ng Mangaldan, na kalapit bayan ng Mapandan. Sinasabing ipinuslit ng madaling araw ang mga baboy ng anak ng negosyanteng si Adelaida De Guzman na si Kenneth de Guzman sa tahanan ng isang local hog raiser na si Lemuel Chico, ang anim na mga baboy dahilan upang ito ay hindi maisama sa mga dapat sanang ipinasailalim sa total quarantine sa Brgy. Baloling, Mapandan.
Mabilis namanng isinailalim sa culling ang mga ito at agad na ibinaon upang maiwasan ang pagkalat ng ASF sa probinsya.