Pangkalahatang mapayapa ang isinagawang transport strike ng mga jeepney dribers at operators dito sa lungsod ng Dagupan ngayong araw.
Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay Pol lt. Col Abubakar Mangilin, chief of police sa lungsod ng Dagupan, wala silang naitalang untoward incident.
Base sa kanilang monitoring, maliit lamang ang bilang ng mga nagtipon tipon dito sa lungsod na naghayag ng hinaing sa gobyerno at tinapos din ito sa mapayapang paraan.
Nakatulong din aniya ang libreng sakay na ikinasa ng city goverment upang hindi maparalisa ang transportasyon sa lungsod.
Samantala, nag- padala rin ang PNP ng anim na patrol car bilang back up sa mga sasakyan na nagsakay ng libre sa mga commuters.
Una rito, bilang tugon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa tigil pasada ay ipinag-utos ni Dagupan City Mayor Marc Brian Lim ang paggamit sa mga sasakyan ng Lokal na Pamahalaan para sa ‘Libreng sakay’.