Iginiit ngayon ng Bureau of Fishiries and Aquatic Resources-National Integrated Fisheries Technology Development Center (BFAR-NIFTDC), na isolated case lamang ang pagkamatay ng ilang alagang bangus dito sa lalawigan ng Pangasinan.


Una rito, nakapagtala ng pagkamatay ng mga Bangus sa ilang bahagi ng Western Pangasinan.


Matatandaan na noong Setiembre 25, hindi bababa sa 900 kilo ng bilasang bangus na hinihinalang mula sa bayan ng Sual ang nasabat ng mga otoridad matapos na tangkaing ipuslit ito dahil sa lungsod ng Dagupan gayong hindi na ito maaaring kainin pa.

--Ads--


Lumalabas sa isinagawang pagsusuri ng BFAR-NIFTDC, nangamatay ang mga isda dahil mababang kalidad ng tubig kung saan inaalagaan ang mga ito.


Samantala, tiniyak naman ng Dagupan City Agriculture Office na mahigpit ang ginagawa nilang pagbabantay upang matiyak na hindi makapapasok dito sa lungsod ang mga Bangus na namatay dahil sa fish kill upang masiguro ang kalidad ng bangus sa lungsod.


Sa ngayon nananatiling maganda ang presyuhan ng Bangus sa Magsaysay Fish Market na naglalaro sa 120 pesos hanggang 170 pesos depende sa laki.

mahigpit ang ginagawa nilang pagbabantay upang matiyak na hindi makapapasok dito sa lungsod ang mga Bangus na namatay dahil sa fish kill upang masiguro ang kalidad ng bangus sa lungsod.
Sa ngayon nananatiling maganda ang presyuhan ng Bangus sa Magsaysay Fish Market na naglalaro sa 120 pesos hanggang 170 pesos depende sa laki.