Tiniyak ni Samahang Industriya at Agrikultura (SINAG) President Engr. Rosendo So na sapat ang supply ng pork products sakaling ipatupad ang total ban sa mga canned o frozen meat products lalo na ang mga nagmumula sa mga bansang apektado ng African Swine Fever.
Paliwanag ni Engr. So higit sa 100 porsiyento ang projection ng supply ng baboy ngayong taon sa bansa.
Bagamat sinasabi na ng mga meat importer na tataas ang presyuhan nito sa World Market ngunit dahil sa maraming stocks sa bansa nakikita nila na hindi ito mangyayari.
Giit din ni So na matumal ang bentahan ng karne ng baboy dahil sa tinatawag na lean months kaya wala siyang nakikitang problema sa kakulangan sa supply nito.
Ang malakas aniya ang bentahan sa ngayon ay ang itlog dahil sa pangangailangan sa protina.