DAGUPAN CITY– Tatlong Dagupeño ang maglalaro sa South East Asian Games o SEA Games 2019.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Coach Enrico Vasquez, head coach ng Pangasinan Karate Team, ang mga tatlong player ay sina John Enrico Vasquez, Mark Andrew Manantan at Jayson Ramil Macaalay.

Kasalukuyan na umanong nagsasanay ang tatlo para sa SEA games sa larangan ng karate.

--Ads--

Determinado umano ang mga player na makakuha ng gintong medalya.

Ang Pilipinas ang host ng Southeast Asian Games ngayong taon.

Samantala, itinanghal na Kampeon ang Dagupan team sa I First Lanie M. Revilla Karate Cup na ginanap sa New Bacoor Coliseum sa Bacoor, Cavite.

Ayon kay coach Vasquez, malaking tulong aniya sa tagumpay ng manlalarong Dagupenio ang binigay umanong suporta ng City Government.

Ipinagmalaki ni Vasquez ang magandang performance ng mga Players bilang paghahanda sa 2020 batang Pinoy.