Patay ang isang transgender matapos gilitan ng leeg sa barangay Patar sa  bayan ng Bolinao, Pangasinan.

Sa ekslusibong panayam ng bombo radyo Dagupan kay police major Dennis Cabigat, chief of police sa bayan ng Bolinao, kinilala ang biktima na si Jestoni  Reliendo, nasa wastong gulang, waiter ng Prescious Bolinao Resort at residente ng barangay Pangapisan  sa lungsod ng Alaminos.

Ayon kay  Cabigat, hawak ngayon ng kapulisan ang  narekober na cellphone ng biktima na inaasasahan na magbibigay daan  para malaman ang motibo at pagkakakilanlan ng suspek.

--Ads--

Inaalam ng mga awtoridad kung may nakaaway ang biktima.

Bago ang insidente  ay sinasabing nakipag-inuman pa umano  ang biktima noong  gabi bago ang kremin.

Walang  narekober na anumang armas na ginamit sa biktima, subalit, hinihinalang itak ang ginamit sa biktima.