Muling magsasagawa ng command conference ang PNP ngayong Lunes  kaugnay sa nangyaring pananambang  sa  convoy  ni dating Pangasinan governor Amado Esoino  Jr. sa barangay Magtaking sa lungsod ng San Carlos na ikinasawi ng kanyang driber at bodyguard.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng bombo radyo Dagupan, inaasahang ilalahad dito ang update sa ginagawang imbestigasyon ng binuong task force sa nangyaring insidente.  

Matatandaan na ipinag-utos ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde ang mabilis at malalimang imbestigasyon sa kaso upang mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.

--Ads--

Matatandaan na sakay si Espino ng Toyota Land Cruiser SUV kasama ang kanyang driver na si Agapito Cuison at Jayson Malsi habang ang kanyang back-up security ay sakay naman ng black Toyota Innova na minamaneho ni Anthony Columbino at kasama sina Police Staff Sgt Richard Esguerra at Kervin Marbori at patungo sanang Brgy. Ilang, nang sila ay pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek na armado ng mga mahahabang armas. Matapos ang pamamaril ay agad ding tumakas ang mga ito sa direksiyong Malasiqui, Pangasinan.

Agad na nasawi ang bodyguard na si Esguerra habang si Cuison, ang driver na nakapagtakbo sa dating Kongresista sa pagamutan ay binawian din ng buhay.